Muling binatikos ni dating Pangulong Fidel Ramos si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay naman sa pagtanggi nito na lumagda sa Paris agreement on climate change.
Ayon kay Ramos, lalong magiging bantad sa mga mapaminsalang epekto ng mga bagyo ang Pilipinas kung patuloy na tatanggi si Pangulong Duterte na lumagda sa kasunduan.
Mistula anyang nagpapatiwakal si Duterte at hinihayaang ma-sakripisyo ang buhay ng mahigit isandaang milyong Pilipino na isang napakalaking kamalian.
Iginiit ni FVR na tila hinahayaan din ni Pangulong Duterte ang mga mamamayan na patuloy na dumanas ng mga mapaminsalang epekto ng mga bagyong Karen at Lawin.
Una nang inihayag ni Duterte na hindi siya susunod sa kasunduan na magbawas ng carbon emission ng 70 percent sa taong 2030 dahil hindi naman major emitter ang Pilipinas.
By Drew Nacino