Nagbigay ng unsolicited advice si dating Pangulong Fidel Ramos kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito sa mga walang patid na birada ng Pangulong Duterte sa mga kaalyadong bansa ng Pilipinas tulad ng Amerika at European Union.
Ayon kay Ramos, dapat manahimik na lamang ang Pangulo lalo’t kung wala naman aniya itong sasabihing maganda.
Lalo aniyang humihina ang kontrol ng isang tao kapag lagi itong lumalabas upang magpabango sa kaniyang mga pananalita.
Binigyang diin pa ng dating Pangulo, mas mainam pang manalo sa mga aksyon kaysa lumaban sa mga argumento.
By: Jaymark Dagala