Nagbitiw na si dating Pangulong Fidel Valdez Ramos bilang special envoy to China.
Ayon kay Ramos, nagbitiw siya pagkabalik na pagkabalik ng Pangulong Rodrigo Duterte mula sa matagumpay nitong state visit sa China.
Tapos na, aniya, ang kanyang trabaho dahil napanumbalik na niya ang magandang relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
Matatandaang itinalaga ni Pangulong Duterte si Ramos bilang special envoy to China noong Hulyo upang tumulong sa pagpapahupa ng tensyon bunsod ng pag-aagawan sa South China Sea.
Resignation letter
Hindi pa dumarating sa Malacañang ang resignation letter ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Una nang kinumpirma ni FVR na nagbitiw na siya bilang Philippine Special Envoy to China kasunod ng matagumpay na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ayon kay Presidential Communications Office Chief Secretary Martin Andanar, hindi totoong hindi na kinakailangan ang serbisyo ng dating pangulo.
Aniya, sa katunayan mas kinakailangan ang tulong ngayon ni Ramos upang tutukan ang naayos nang relasyon ng Pilipinas at China.
By Avee Devierte | Rianne Briones