Hindi dapat maging basehan ang popularidad sa paghalal ng susunod na Pangulo ng bansa.
Binigyang diin ito ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Ayon sa dating Pangulo, dapat na maging pangunahing basehan sa pagpili ng susunod na Pangulo ang track record ng isang kandidato sa pagsesebisyo sa gobyerno.
Sinabi ni Ramos na ang popularidad ay pinakahuli lamang sa mga qualities ng isang lider.
By Judith Larino