Kumpirmadong sasalang bilang guest si Sandara Park o mas kilala bilang ‘Dara’ sa entablado kasama ang kapwa K-Pop star na si G-Dragon.
Ito ay sa nagpapatuloy na world tour ni G-Dragon na may titulong ‘Act III: Motte’.
Si Dara at G-Dragon ay muling magsasamang mag-perform matapos ang walong taon mula noong first solo concert ni G-Dragon na ‘Shine A Light’ noong 2009.
Ang nasabing performance ng dalawang K-pop stars ay magaganap sa Setyembre 1 sa Smart Araneta Coliseum.
Samantala, si G-Dragon ay kasalukuyang nililibot ang mundo.
Kabilang dito ang 29 na siyudad sa Asia, Europe, North America at Oceania.