Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang General Appropriations Act (GAA) o mas kilala bilang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Isinagawa ang paglagda sa Rizal Hall ng Malakanyang kung saan dinaluhan ito ng mga miyembro mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Iprinisinta nila Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez ang GAA sa Pangulo at nagsagawa ng maikling programa bilang bahagi ng seremonya.
Sa kaniyang talumpati, nagpasalamat ang Pangulo sa mga mambabatas sa kanilang mabilisang pagpasa sa nasabing batas na siyang makapagbibigay ng ibayong suporta sa mga proyekto ng pamahalaan.
Maliban sa budget, nilagdaan na rin ni Pangulong Duterte ang Tax Reform Acceleration and Inclusion Law (TRAIN) na siyang makatutulong para sa mga nakalinyang programa ng pamahalaan partikular na sa imprastraktura at pagbangon ng mga taga – Marawi.
The implementation of this law will serve as a national initial set to words, cutting the poverty rate at 14% and making the Philippines an upper middle class by 2022.
- Pahayag ni Pangulong Duterte