Hiniling ni dating Kongresista ngayo’y Games and Amusement Board Chairman Abraham Mitra sa Sandiganbayan ang mga kasong isinampa laban sa kaniya
Kaugnay ito sa mga kasong Graft at Malversation na kaniyang kinahaharap hinggil sa kontrobersyal na fertilizer fund scam nuong 2004
Sa inihaing motion for juridical determination of probable cause, iginiit ng kampo ni Mitra na nabigong patunayan ng prosekusyon ang pagkakasangkot nito sa anomalya
Sinasabing nagbigay si Mitra ng Tatlong Milyong Pisong pondo sa NGO group na Gabay Masa para ipambiling fertilizer nuong kinatawan pa ito ng ikalawang distrito ng Palawan
By: Jaymark Dagala