Naniniwala ang Games and Amusement Board (GAB) na Technical KnockOut dapat ang naging desisyon ng Korean Boxing Commission at hindi No Contest sa nagdaang laban nina Pinoy Boxer John Casimero at Ryo Akahi ng Japan.
Idineklarang No Contest ang laban matapos matamaan ni Casimero si Akaho sa batok.
Nagpadala naman ng sulat ang GAB sa KBC upang suriing mabuti ang naging laban dahil naniniwala itong Technical Knockout dapat ang naging desisyon.
Matatandaang dati nang hawak ni Casimero ang World Boxing Organization (WBO) Belt ngunit ito ay tinanggal sa kaniya matapos ang dalawang ulit na pagkakaantala ng laban nito kay World Bantamweight Champion (WBO) na si Paul Butler. —sa panulat ni Hannah Oledan