Nakabase na sa Amerika ang anak ni Gary Valenciano na si Gab Valenciano pero nasasangkot pa rin ito sa kontrobersiya.
Nag-ugat ang kwento sa kanyang pagpo-post ng kanyang saloobin laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa kanyang post, sinabi ni Gab na hindi kwestyon ang pamumuno at magandang nagawa ni Duterte sa kanyang lugar sa Davao.
Ngunit hindi umano magandang halimbawa ang ipinapakita ni Duterte dahil sa kanyang imoralidad.
Dahil dito ay binalikan si Gab ng mga loyalista ni Duterte at naging personal na umano ang mga pag-atake sa kanya.
Ngunit sa huli ay nanindigan si Gab na kanyang mga pahayag at nagsabing handa niyang tanggapin ang mga basurang ibinabato sa kanya ngunit sasagutin nya ito tulad ng may-aral na tao.
Matatandaang umalis sa bansa ang anak ni Gary V dahil sa pressure at double standard na kanyang naranasan sa kalakaran ng showbiz sa Pilipinas.
By Rianne Briones