Nanindigan ang Population Commission (POPCOM) na malaki ang papel ng mga magulang sa pagpapababa ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa.
Ayon kay Undesecretary Juan Antonio Perez III ng POPCOM, kailangan ay magkaroon ng dayalogo o pag-uusap ang mga kabataan at mga magulang.
Aniya, mas mababa ang tyansa ng pagkakaroon ng maagang pagbubuntis ang mga pamilyang mayroong oras.
Dagdag pa nito, may magandang “value” ang pakikinig sa mga guro at magulang na dapat ibalik sa panahon ngayon.