Pinabulaanan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang mga tsismis na sila ay engaged na.
Nilinaw ni Khalil na hindi pa at may perfect timing para sa kasalan.
Gayunpaman, tiyak na kasal ang nasa isip ng magkarelasyon.
Ayon kay Khalil, ayaw nila ng premature na pag-iisip at gusto nila ng tamang timing.
Para naman sa aktres, 30 years old ang plano niyang edad para magpakasal.
Happy dating pa ang magkarelasyon at ine-enjoy ang kanilang dating stage. —sa panulat ni Jenn Patrolla