Pansamantalang lilimitahan ng Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) sa Tondo, Manila ang pagtanggap ng mga pasyente sa emergency room dahil sa disinfection purposes.
Batay sa memorandum na inilabas ni GABMC Director Dr. Teodoro Martin, mula alas-8 ng umaga kanina hanggang sa May 2 epektibo ang limitadong pag-admit ng mga pasyente sa kanilang ospital.
Samantala, umapela ang GABMC sa iba pang ospital na tanggapin ang ibang mga pasyente.