Itinuturing na pinakabatang pangulo ng Chile si Gabriel Boric, 35 taong gulang.
Natalo ni Boric si Jose Antonio Kast, na isang conservative billionaire at law-and-order candidate, matapos nitong makuha ang 55.86% ng mga boto.
Pormal na uupo si Boric sa puwesto sa Marso kung saan papalitan niya si Outgoing President Sebastian Pinera.
Kabilang sa mga pangako ni Boric ang equality at pagtataas ng buwis sa mga mayayaman.