Nanawagan ang grupong Gabriela, na ikulong ang 3 sundalo na akusado sa panghahalay sa isang 14 na taong gulang na lumad sa Davao del Norte.
Ayon kay Gabriela Sec. Gen. Joms Salvador, hindi dapat inilalagay sa kustodiya ng 10th infantry division ang mga sundalo at kailangang katulad ng iba, sila ay inilalagay sa mga bilangguan.
Maliban sa panggagahasa sa naturang dalaga, mayroon din aniyang hindi bababa sa 3 iba pang kaso ng pang – aabuso ng mga sundalo.
Kaugnay nito ay hinimok ni Salvador ang iba pang biktima ng pang aabuso ng mga sundalo na lumabas at papanagutin ang mga ito.
By: Katrina Valle