Kilos protesta rin ang isinalubong ng mga magulang ng mga batang mag-aaral sa Pres. Corazon Aquino Elementary School sa Quezon City ngayong unang araw ng klase.
Suot ang school uniform, ipinanawagan ng mga magulang na miyembro ng grupong Gabriela sa pamahalaan na tugunan ang problema ng mga magulang at mag-aaral sa distance learning.
Anila, hirap na ang mga magulang sa napaka-gastos na sistema ng pag-aaral sa ilalim ng distance learning na maaari pang mailaan sana sa mas mahalagang bagay.
Subalit hindi naman masagot ng grupo kung sakaling magkahawaan ng COVID-19 ang mga mag-aaral sa eskuwelahan sakaling ibalik na ang face-to-face classes sa bansa.