Tiniyak ng women’s rights group na Gabriela na patuloy nilang binabantayan ang kaso ng pagkamatay ng artist na si Bree Johnson.
Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, kailangang maimbestigahang maigi ang kaso upang mabura ang anumang uri ng pagdududa sa pagkamatay ng dalaga.
Kinakailangan aniya ito lalo pa’t dawit ang nobyo ni Bree na si Jaime Ongpin na anak ng isa sa mga kilalang bilyonaryo sa bansa.
Kasunod nito, umapela si Brosas sa netizens na tigilan ang victim-blaming sa pagkamatay ni johnson lalo’t pinalalala nito ang aniya’y misogynist projection ng lipunan sa mga babae.