Pinalagan ng GABRIELA Partylist group ang dagdag na isang bilyong pondo na inilaan ng Duterte adminitration sa konstruksiyon ng mga detention centers sa mga child offenders.
Ayon kay GABRIELA Partylist Rep. Arlene Brosas, pagpapakita lamang ito na totoong pasistang karakter ng gobyerno sa pamamagitan ng pagpapalaki ng pondo para sa mga kulungan ng mga menor edad sa 2019 budget.
Aniya, ito ang naging prioridad ng pamahalaan sa halip na magbigay ng dagdag na basic social service tulad ng mga paaralan at pagtulong at paglinang sa mga kabataan.
Batay sa panukalang 2019 national expenditure program, inilaan ang 90. 6 million pesos para sa juvenile justice and welfare program ngunit nang maaprubahan ang national budget ay lumobo ito sa isang bilyong piso.