Bukas si Atty. Larry Gadon na ma-cross examine siya o makumpronta kapag dininig na ng House Committee on Justice ang inihain niyang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Gayunman, iginiit ni Gadon na kailangang sumunod si Sereno sa panuntunan ng komite na tanging ang inirereklamo lamang o si Sereno mismo ang dapat mag-cross examine sa kaniya at hindi ang kanyang mga abogado.
Nagpahayag ng pag-asa si Gadon na sa lalong madaling panahon ay maisasalang na sa pagdinig ng komite ang impeachment complaint.
Nakapaghain na aniya siya ng sagot sa naging kasagutan ni Sereno sa inihain niyang impeachment complaint at mga tatlong araw lamang ang ibibigay sa chief justice para makapagsumite ng isa pang kontra sagot o rejoinder.
Okay lang naman sa akin ‘yun kung ‘yun ang naaayon sa rules ng House Committee on Justice, eh okay ‘yun.
‘Yun nga lang, ang rules nila, under the rules, pwede siyang mag-cross examine as resource person but hindi papayagan na ‘yung mga abogado niya’y magtatanong.
Kahit ako din, kapag ako ang nag-cross examine ako lang ang pwedeng magtanong, hindi pwede ang aking mga prosecutors.