Idineklarang ‘sufficient in form and substance’ ang inihaing impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ang resulta ng naging botohan ng House Committee on Justice.
Parehong tatlumpung (30) kongresista ang bumoto pabor sa mosyon na nagde-determina sa sufficiency in form at substance ng reklamong inihain ni Gadon, habang 4 naman ang mga hindi pumabor dito.
Ilan sa grounds ng inihaing complaint ni Gadon laban kay Sereno ay ang culpable violation of the Constitution, corruption at betrayal of public trust.
Matatandaang 25 kongresista ang nag-endorso nito.
UPDATE
Samantala, ibinasura naman ng House Committee on Justice ang isa pang impeachment complaint laban kay Sereno na inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC sa botong, 28-5.
Opposition
Unang tinalakay ng komite ang impeachment complaint ni Gadon at pinayagang magbigay muna ng kanilang oposisyon ang mga kontra dito.
Pinuna ni congressman Kaka Bag-ao na tila ibinase lamang sa news paper articles.
Binigyang diin ni Bag-ao na ang ganitong mga ebidensya ay itinuturing na hearsay noong dinggin ang impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibinasura ng komite.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congressman Kaka Bag-ao
Iginiit naman ni Congressman Edcel Lagman na dapat gamitin rin sa impeachment case laban kay Sereno ang mga panuntunan na ginamit nila noong dinggin nila ang reklamo laban kay Pangulong Duterte.
AR / DWIZ 882 / Len Aguirre