Nagbanta si dating senatorial candidate Atty. Larry Gadon na magsasampa ng kaso sa ilang opisyal ng gobyerno sakaling pagkalooban ng National Telecommunications Commission (NTC) ng provisional authority para sa makapagpatuloy ng operasyon ang ABS-CBN kahit paso na ang prangkisa nito.
Ayon kay Gadon, sasampahan niya ng graft case sina NTC commissioner Gamaliel Corodova, House Speaker Alan Peter Cayetano, at Congressman Franz Alvarez sa oras na mabigyan ng P.A. ang ABS-CBN.
Ani Gadon, wala pang valid congressional franchise ito kaya’t hindi maaaring bigyan ang ABS-CBN ng P.A. para lamang maipagpatuloy ang kanilang operasyon.
Una rito, hinimok ni gadon ang Korte Suprema na harangin ang NTC sa pagbibigay nito ng P.A. sa ABS-CBN dahil tila pagpapalawig na rin umano ito ng kanilang prangkisa.
Napaso ang prangkisa ng ABS-CBN kahapon, Mayo 4.