Balak sampahan ngayon ni Atty. Larry Gadon ng kasong graft and corruption si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ang reklamo ay nag-ugat dahil sa umano’y pagkuha ni Sereno ng serbisyo ng isang information technology consultant na mayroong kontrata na nagkakahalaga ng 10 milyong piso.
Ayon kay Gadon, hindi dumaan sa tamang proseso ng public bidding ang nasabing hakbang ng Punong Mahistrado at hindi ito inaprubahan ng Supreme Court en banc.
Samantala, tinawanan lamang ng kampo ng Punong Mahistrado ang planong pagsasampa ng panibagong kaso ni Gadon.
Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, tagapagsalita ni Sereno, hindi na bago ang mga akusasyon ni Gadon at namimingwit lamang ito ng ebidensya.
Naniniwala din si Lacanilao na naghahanap lamang ng atensyon si Gadon dahil kasama na aniya sa inihain nitong impeachment complaint laban kay Sereno ang naturang isyu.
—-