Kontra si Senador Panfilo Lacson sa gag order na ipinataw kay General Antonio Parlade na spokesperson ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Lacson hindi angkop ang gag order kay Parlade dahil ang isyu laban sa heneral ay higit pa sa pag-atake nito sa mga organizer ng community pantry at sa pagtawag nitong ‘stupid’ sa mga senador.
Ang dapat aniyang gawin ng AFP ay pakinggan ang panawagan ng senado na sibakin si Parlade bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC dahil sa ilalim ng konstitusyon hindi maaaring italaga sa isang civilian position ang isang aktibong miyembro ng sandatahang lakas.
Para kay Lacson dapat i-censure si Parlade dahil sa pakikialam o pakikipagtalo nito sa usaping pulitikal sa halip na pagtuunan ng pansin ang kanyang misyon bilang commanding general ng Southern Luzon Command.
Pagdating naman kay PCOO Undersecretary Lorraine Badoy inihayag ni Lacson na ang political statements nito ay para lamang sa kanya habang ang NTF-ELCAC ay mayroong responsibilidad sa taumbayan.