Dodoblehin ng Commission on Elections (COMELEC) ang bilang ng satellite devices na gagamitin sa 2016 elections.
Inihayag ito ni COMELEC Chairman Andy Bautista makaraang ibalik na ng senado ang tinanggal nilang 500 million sa panukalang budget ng komisyon na para sa transmission ng resulta ng eleksyon.
Sinabi ni Bautista na sa kasalukuyan 4,000 lamang ang transmission devices ng COMELEC kaya’t nasa mahigit 76 percent lamang ang transmission rate ng mga resulta ng eleksyon.
Nais aniya ng COMELEC na maipadala ang resulta ng eleksyon para sa canvassing sa loob lamang ng ilang oras.
Nitong mga nakaraang eleksyon aniya ay nagresulta sa kung ano-anong ispekulasyon ang matagal na transmission ng resulta ng eleksyon na inaabot ng 24 oras.
By Len Aguirre