Malaking bagay na sa Pilipinas gaganapin ang 2017 ASEAN summit sa susunod na linggo.
Ito, ayon kay Senator Cynthia Villar, ay dahil maipapakita ng gobyerno na good investment destination ang Pilipinas at good tourist destination din ang bansa.
Bagaman ang ASEAN Summit ay aktibidad ng executive at walang masyadong usapin sa lehislatura, sinabi ng Senadora na nakatanggap siya ng tatlong imbitasyon kung saan posibleng dumalo siya sa gala dinner.
Isa anya sa posibleng mapag-usapan ang paghikayat na palaguin ang mga Small Medium Enterprise o SME sa bansa.
Maaari ring maging daan ang ASEAN Summit para mabigyan ng anumang training o technology mula sa ibang bansa sa ating mga SME.