Nagsimula nang maghanda ang pamunuan ng University of Santo Tomas (UST) para sa face-to-face classes sa kanilang medical courses.
Kasunod na rin ito ng pagpayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa pagbabalik ng face-to-face classes sa medicine, medical technology, physical therapy at nursing kasama na rin ang internship para sa mga health programs ng UST.
Ayon sa UST management magpapalabas sila kaagad ng supplementation guidelines kapag pormal nang inaprubahan ng IATF ang isinumite nilang mga panuntunan sa pagdaraos ng face-to-face classes sa medical courses ng pamantasan.