Maging objective, walang kinikilingan, nakasunod sa batas, patas, mabilis, walang halong politika at isantabi ang personal na kadahilanan.
Ito ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa 5-man committee na magsasagawa ng ebalwasyon sa mga opisyal na maghahain ng courtesy resignation alinsunod sa panawagan ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr.
Sa panayam ng DWIZ kay Police Colonel Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP, inihirit nitong pakinggan ang kanilang hinaing upang masiguro na hindi madadamay ang mga hindi dawit sa isyu sa iligal na droga.
Kahapon, naghain na ng courtesy resignation si PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. Kasama ang ilang matatas na opisyal nito.
Hindi naman matiyak ni Fajardo kung ilan na ang naghain ng pagbibitiw lalo’t iba ang bilang sa Metro Manila at mga Regional Offices ng PNP.