Tiniyak ng DOJ o Department of Justice na may sapat silang mga abogadong bihasa sa international law at international legal cooperation.
Ito ang inihayag ni DOJ Spokesman Usec. Mark Perete sa sandaling ipag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong sila sa gagawing joint investigation ng Pilipinas at China hinggil sa nangyaring banggaan ng barko ng dalawang bansa sa Recto Bank.
Ani Perete, maaari aniyang sundin ang modelo ng International Maritime Organization sa pagtatakda ng mga regulasyon o panuntunan para sa gagawing imbestigasyon.
Tiniyak naman ni Perete na magiging patas ang joint investigation na ito at hinihintay na lamang nila ang pormal na komunikasyon mula sa China gayundin sa Palasyo ng Malakaniyang hinggil dito.