Suportado at kinasasabikan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang development ng Multispectral Unit for Land Assessment (MULA) satellite na gawang Pilipino.
Ito ay lilikhain ng mga Pilipinong engineer mula sa Philippine Space Agency (PhilSA) at ilulunsad sa taong 2025.
Ang MULA satellite ay may kakayahang makakita ng 73,000 square kilometers ng Pilipinas sa loob ng 24 oras.
Sa sandaling mapakawalan na ito sa kalawakan, ay kaya na nitong makakalap ng datos sa lupa, himpapawid at karagatan na sakop ng teritoryo ng bansa at ma-detect ang kalidad ng hangin at tubig pati na rin ang pagtukoy sa mga parte ng karagatan kung saan sagana sa mga isda.
Kaya rin nitong makita ang sitwasyon ng trapiko at tumukoy ng presensya ng mga barko sa territorial waters ng Pilipinas. —sa panulat ni Hannah Oledan