May tatlo pang natitirang umanoy drug lord sa Western Visayas.
Tinukoy ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ang isa sa mga ito sa pangalang Bolivar habang hindi na niya pinangalanan ang dalawang iba pa.
Gayunman, wala na anyang dapat ikabahala sa mga sinasabing drug lord na ito dahil sumuko na anya ito noon sa pulisya.
Sa ngayon anya, minomonitor na lang nila ang galaw ng mga ito kung totoong nagnenegosyo pa rin sa iligal na droga.
Ayon kay Dela Rosa, lima ang natukoy nilang drug lord sa Western Visayas.
Napatay na ang dalawa sa mga ito na sina Richard Prevendido at ang mag-asawang Odicta na pinoprotekhan umano noon ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog.
By: Jonathan Andal
SMW: RPE