Lilimitahan ng Taguig City Government ang galaw ng mga residenteng hindi pa bakunado sa gitna ng pagpapatupad ng Alert level 2 sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Sa ilalim ng Advisory No. 66, magpapatupad ng curfew hour simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga ang kanilang lungsod para sa mga menor de edad na 18 taong gulang pababa, mga edad 65 pataas, mga buntis at mga indibidwal na may comorbidities at immunodeficiencies.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Taguig, hindi papayagang lumabas ng bahay ang mga residente at kung lalabas ang mga ito ay dapat na may kasamang ganap na bakunadong magulang.
Ang mga nais na magpabakuna ay kanilang ire-refer sa isang pinakamalapit na Community Vaccination Hub o sa isang Trace Kiosk sa naturang Barangay. —sa panulat ni Angelica Doctolero