Tuwing araw ng pagtatapos, saya ang nangingibabaw na emosyon sa mga estudyante.
Ngunit sa halip na saya, galit ang naramdaman ng Taiwanese student na si Hsia mula sa Fudan University sa Shanghai, China.
Pag-akyat niya kasi sa entablado upang kumuha ng diploma, bigla niyang sinuntok ang isa sa kanyang mga propesor!
Sa viral video, makikitang nakahilera sa entablado ang mga propesor na haharap sa graduates.
Maayos namang nagsimula ang seremonya, ngunit pagtungtong ni Hsai sa entablado, sinalubong ng malakas na suntok ang ikalawang propesor.
Agad na isinugod ang propesor sa ospital dahil sa natamong minor injuries.
Dinakip naman ng mga pulis ang estudyante para sa interogasyon.
Ayon sa ulat, nakasama si Hsai sa shortlist para sa master’s degree program ng Peking University Health Science Center. Sa kasamaang palad, hindi siya natuloy rito dahil sinabi ng unibersidad sa isinasailalim pa siya sa ideological and moral assessment.
Ang hinala ng ilan, ang dean talaga ang target na saktan estudyante at napagkamalan lamang nito ang biktimang propesor.
Batay pa sa social media posts ni Hsai, ayaw niya mag-aral sa Shanghai at pinilit lamang siya ng kanyang mga magulang. Ayon sa mga estudyante, posibleng nagtanim siya ng sama ng loob dahil hindi siya makaalis-alis sa unibersidad.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Fudan University ang insidente.