Nawala na ang galit ni PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa kay SPO3 Ricky Sta. Isabel, ang pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo sa loob ng Kampo Crame.
Sinabi ito ni Dela Rosa matapos niyang makausap si Sta. Isabel noong weekend.
Hindi idinetalye ni Dela Rosa ang kanilang pag – uusap subalit sinabi nitong ipinagtanggol lang ni Sta. Isabel ang sarili at nahalata niyang nagsisinungaling ito.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa
By: Katrina Valle / Jonathan Andal