Inamin ni Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez na nahaharap sa logistical problem ang vaccination program ng gobyerno.
Sa talk to the people ni Pangulong Rodrigo Duterte, inihayag ni galvez na hindi na problema ang supply ng bakuna sa ngayon bagkus ay kung paano ma-i-a-administer ang bultu-bultong COVID-19 vaccine nang maayos.
Isa rin anya sa mga hadlang ay ang pagbiyahe sa mga bakuna mula sa national warehouse patungo sa mga lalawigan.
Ayon kay Galvez, nakikipag-ugnayan na rin sila sa private sector upang mapataas sa 1.5 milyong doses ang maiturok kada araw. —sa panulat ni Drew Nacino