Bumisita sa kauna-unahang pagkakataon ang pinakamataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines sa pangunahing kampo ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Camp Darapan, sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.
Kasabay ng pagbisita, opisyal na idineklara ni AFP Chief of Staff, Gen. Carlito Galvez Jr ang pagtatapos ng digmaan sa pagitan ng AFP at MILF.
Ayon kay Galvez, dapat respetuhin ang kapayapaan sa Mindanao na ilang dekadang pinaghirapan kung saan libu-libo ang nagbuwis ng buhay.
Bago maging division commander at commander ng western mindanao command, nagsilibing chairman ng coordinating committee on the cessation of hostilities ng gobyerno si Galvez.
Samantala, inimbita naman ng pinuno ng hukbong sandatahan si MILF chairman Murad Ebrahim na bumisita sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.