Dismayado si National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. makaraang dinumog ng publiko ang Manila Bay Dolomite Beach.
Ayon kay Galvez, kinakailangan na itong pag-usapan sa Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sunod-sunod na ang nangyayaring pagdagsa ng mga tao sa nasabing beach sa Maynila.
Kailangan na aniya ito talakayin upang matiyak na hindi na mauulit ang naturang insidente .
Samantala, naitala naman ang pinakamataas na bilang ng mga pumasyal sa dolomite beach nuong 24 ng Oktubre na umabot sa mahigit 100,000.
Habang nuong a 23 ng Oktubre ay pumalo naman sa higit 60,000 ang bilang ng mga namasyal dito.