Nakumpleto na nila Vaccine czar Carlito Galvez at Testing czar Vince Dizon ang kanilang COVID-19 vaccine shots.
Ito matapos matanngap nila ang ikalawang dose ng bakuna kontra coronavirus noong Marso 29.
Matatandaang kapwa sila nakatanggap ng unang dose ng bakuna mula Sinovac noon pang Marso 1.
Sa huli, nagbigay si Galvez ng mensahe sa publiko na huwag pa rin maging kampante at laging sumunod sa health protocols. —sa panulat ni John Jude Alabado