Humingi ng pang-unawa sa publiko si Chief Implementer ng National Task Force against COVID-19 at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kasunod ng pagkakabalam ng pagbabakuna sa ilang lugar dahil sa kakulangan ng suplay ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Galvez, karaniwan nang nagkakaroon ng pagkaantala sa deliveries ng mga bakuna sa una at huling linggo ng buwan dahil dito inihahanda ng manufacturers ang deployment at paga-update ng kanilang stock inventory.
Ani Galvez humihingi sila ng pasensya dahil hindi naman nila kayang pigilan ang nangyayaring delay sa mga deliveries ng bakuna na nakakapag pabagal sa rollout nito sa bansa.
Una rito sinabi ni Galvez na makakatanggap pa ang bansa ng 30 milyong bakuna kontra COVID-19 ngayong buwan hanggang Agosto.