Humingi ng paumanhin si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kay MMDA Chairman Benhur Abalos dahil sa na-unsyaming pagdating ng bakuna kontra COVID-19 na inaasahang darating sana ngayong ikalawang linggo ng Pebrero.
Ito ang inihayag ni Galvez kay Abalos sa ginawang inspeksyon ng mga ito sa kahandaan sa vaccination program sa Pateros.
Mababatid ani Galvez na hindi nito nasisiguro kung darating pa ngayong buwan ang naturang unang batch sana ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer.
Sa huli, iginiit ni Vaccine Czar Galvez na sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang negosasyon hinggil sa delivery ng mga bakuna.