Hindi naiiwan ang Pilipinas sa iba pang bansa pagdating sa pagbabakuna laban sa COVID-19.
Ito ang pinanindigan ni Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez sa gitna ng batikos ng ilang kritiko na mababa ang vaccination rate ng bansa.
Ayon kay Galvez, sa katunayan ay nasa 21st ang ranking ng pilipinas mula sa dalawandaan apat na bansa.
Sa datos kahapon, umabot na sa 37,176,513 ang naiturok na bakuna.
Nasa 21,338,714 na ang tumanggap ng first dose habang 15,836, 799 ang nakatanggap na ng 2nd dose o fully vaccinated.
Kumpiyansa naman si Galvez na maaabot ng NCR, Central Luzon, Calabarzon, Metro Cebu, Metro Davao, Iloilo at Cagayan De Oro cities maging ng iba pang high risk area ang 70% fully-vaccinated population sa Oktubre.—sa panulat ni Drew Nacino