Walang nakikitang mali si Vaccine Czar at National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. hinggil sa ‘no vaccine, no work’ na ipinatutupad ng mga kumpanya.
Ayon kay Galvez, pinag-aaralan na rin nila ang iba pang hiling ng mga negosyante kabilang na ang pagtanggap lamang sa mga bakunadong aplikante.
Kung hindi naman aniya bakunado ay dapat na may lingguhang COVID test ang empleyado na sariling gastos nito.
Sinabi pa ni Galvez na hindi rin ito maituturing na diskriminasyon sa mga manggagawa na hindi pa bakunado.—sa panulat ni Hya Ludivico