Inirekomendang isailalim muli ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. sa general community quarantine (GCQ) ang Davao City.
Kasalukuyang umiiral ang modified general community quarantine (MGCQ) sa lungsod, ngunit idineklarang “restricted local government unit” nitong ika-18 ng Nobyembre dahil sa pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.
Samantala, ayon naman kay Davao City Mayor Sara Duterte, susunod sila sa kung anuman ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Sa ngayon ay mayroon nang 5,541 kaso ng COVID-19 sa lugar, kung saan nasa 2,000 sa mga ito ang aktibo.