Nag-sorry si National Task Force against COVID-19 at Vaccine Czar Carlito Galvez kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ito ay matapos sabihin at isisi ni Galvez sa polisiya ng pamahalaang lokal ng Davao City sa pag-home quarantine ng mga pasyenteng may COVID-19 bilang dahilan ng pagtaas ng kaso sa lungsod.
Ayon kay Galvez, kanyang itinatama ang nauna niyang pahayag kasunod ng ginawang pagtitiyak ni Duterte-Carpio na mahigpit na ipinagbabawal sa Davao City ang pag-quarantine sa bahay ng mga positibo sa COVID-19.
Sinabi ni Galvez, humihingi siya ng paumanhin kay Duterte-Carpio sa anumang posibleng naging epekto sa mga residente ng Davao City sa kanilang naging pagtaya sa sitwasyon ng COVID-19 sa lungsod.
Kasabay nito, tiniyak ni galvez na nakahanda silang tumulong sa anumang kailanganin ng davao City LGU para mas mapalasa ang kanilang kapasidad sa testing, contact tracing, treatment, isolation at recovery.