Halos tatlo sa bawat sampung Pinoy ang walang access sa mga COVID-19 vaccination sites ayon sa SWS survey.
Paliwanag ni vaccine czar secretary Carlito Galvez, mababa ang suplay ng COVID-19 vaccine doses sa bansa noong buwan ng Hunyo dahilan kaya limitado rin ang mga bukas na COVID-19 vaccination sites.
Ayon pa kay Galvez, nasa 9.1 million doses lang ang natanggap ng bansa para sa buwan ng Hunyo kung saan isinagawa ang survey at nadagdagan ito ng 16.4 million nito namang Hulyo.
Kaya ani Galvez na kung gagawan ng survey ang buwan ng Agosto, mas tataas ito dahil mas tumaas ang suplay ng bansa.
Sa kabila nito, nanawagan naman ang National Task Force na ilapit sa mga residente nito ang pagbabakuna.—sa panulat ni Rex Espiritu