Hinimok ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang mga lokal na pamahalaan na mas paigtingin ang ipinatutupad na mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Galvez, hindi dapat maging kampante ang publiko lalo na’t may nakapasok na Omicron variant sa Pilipinas.
Aniya, dapat seryosohin ng publiko ang banta ng nasabing virus dahil maaari itong maging sanhi ng pagsirit ng kaso ng virus.
Dagdag ni Galvez, kahit mild lamang ang naturang variant posibleng tumaas ang bilang ng mga namamatay, naoospital at mga severe cases sa mga ospital sa bansa.
Samantala, inirerekomenda ni Galvez sa mga vaccine expert panel na paigsiin ang pagitan ng booster shots sa tatlong buwan mula sa anim na buwan.