Tumutol si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. Sa panukala ng Department of Transportation (DOTr) na itaas sa 100% ang kapasidad ng mga pasahero sa pampublikong sasakyan.
Sinabi ni Galvez na mas mabuting itaas sa 75% mula sa 50% ang kapasidad ng mga nasabing sasakyan hanggang sa tuluyang bumaba ang kaso ng COVID-19 at mabakunahan ang lahat ng tao sa NCR.
Matatandaang una ng isinusulong ng DOTr na maitaas ito sa 100% upang mabawasan ang matinding epekto ng pandemya at taas presyo sa petrolyo sa mga drayber at operators. —sa panulat ni Airiam Sancho