Tutol si coronavirus disease 2019 (COVID-19) response Chief Implementor Carlito Galvez Jr. sa pagdedeklara ng total lockdown sa buong bansa bilang hakbang kontra sa pagkalat ng coronavirus disease.
Ayon kay Galvez, malabong palawigin hanggang Visayas at Mindanao ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon.
Aniya, ito ay dahil maayos at maganda ang pagpapatupad ng kanya-kanyang community quarantine sa iba’t-ibang lalawigan sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Galvez, sa katunayan ay matagumpay aniyang nakokontrol ng Davao at Zamboanga Region ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang nasasakupan.
Dagdag ni Galvez, maayos rin ang pamimigay ng tulong pinansiyal ng Bangsamoro Autonomus Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa mga apektado ng community quarantine.