Hindi dapat maging commercialize o maibenta sa mga ospital ang COVID-19 vaccine.
Ito ang iginiit ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr, sa kaniyang pagpabor sa kasalukuyang proseso na ipinatutupad ng Food and Drug Administration o FDA pagdating sa pag-aangkat ng bakuna.
Ani Galvez, sinabi na nuong una pa lamang ng FDA na ang tanging aaprubahan ng kanilang ahensya ay ang mga nag-aaply lamang ng Emergency Use Authorization o EUA.
Nangangahuluga aniya ito na hindi maaaring maging pang commercial ang COVID-19 vaccine.
Magugunitang ipinangako ng pamahalaan sa publiko na gagawing libre para sa mga Pilipino lalo na sa mga mahihirap ang bakuna kontra COVID-19.