Umapela si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. Sa mga lokal na pamahalaan na maghanap ng epektibong paraan upang matugunan ang kakulangan sa syringe o hiringgilya na ginagamit sa pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19.
Aniya, ang kakulangan ng mga hiringgilya ang pangunahing problema ng mga bansa sa buong mundo sa gitna ng paglaban sa pandemya partikular ang bakunang Pfizer na gumagamit ng 0.3 na karayom.
Kaugnay nito, una na ring nagbabala ang World Health Organization (WHO) dahil sa shortage ng hiringgilya na aabot sa dalawang bilyon.
Nabatid na noon pa sinabihan ni Galvez ang mga LGU na bumili ng mga hiringgilya tulad ng tuberculin syringes bilang pamalit sa pagtuturok. —sa panulat ni Airiam Sancho