Binawi na ng Gamaleya Research Institute ng Russia ang kanilang aplikasyon para sa pagsasagawa ng phase 3 clinical trial ng kanilang bakunang Sputnik V sa bansa.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevara, sa halip na aplikasyon para sa clinical trial, aplikasyon na para sa emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang gagawin.
Ani Guevara, sa isang online briefing sinabi ng Gamaleya na ngayong araw o bukas ito nakatakdang magsumite ng aplikasyon para sa EUA.
Batay sa record ng Gamaleya, mayroon na itong EUA sa tatlong mga bansa, iyan ang Russia, Argentina, at Belarus.