Hindi pa babalik ng bansa si Chinese Gambling Tycoon Jack Lam.
Ayon ito kay Atty Raymond Fortun, abogado ni Lam base na rin aniya sa naging consensus ng legal team ng Chinese Businessman.
Kasabay nito sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tumanggi si Fortun na mag komento sa mga negosyo ni Lam sa Macau dahil wala aniya siyang alam sa mga ito.
Si Lam ay umalis ng Pilipinas at nagtungo ng Hong Kong ilang araw bago ipag utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdampot dito.
By: Judith Larino